Ang aga-aga ginising ako ni daddy. “Jason, siks terti na.” Dalian akong nagising syempre, ginising nga eh. Tapos naligo, tapos kumain, tapos nag toothbrush, tsaka pa lang nagbihis. Nakabold ako eh. Hohoho. Today is November 1 nga pala. Happy Holloween.
Tae lang. Yung jeep na nasakyan ko kanina eh walang pakundangang nagpagasolina at nagpalagay ng tubig, na nagcause delay ng byahe. Tae nga lang kasi yung nasakyang jeep ko kahapon eh ganon din ang ginawa. Hindi tuloy ako nakaabot sa sunset sa pupuntahan ko. Next time nga magpagas na kayong mga driver kayo pag alam nyong sasakay ako sa inyo mga 2 days ahead. Utang na loob.
Tinahak ko ang daanan papunta sa LRT station. Ang tahimik, walang katao-tao. Ano kayang meron? Akala ko nga sarado. Buti na lang buka. Nakahinga ko ng matiwasay.
Sobrang nakokonsensya lang ako kasi nung last station na eh may nakita kong kasing-edad kong mama. O sige, kasing-edad kong bata. Nakaupo, at nakatingala, nakabuka ang bibig, at pikit na pikit. Tulog. Bumukas na ang pinto, itinuro lang sya nung bata sa nanay. “Nanay oh”. Yung nanay naman natawa lang.
Ang nakakakonsensya… Hindi ko sya ginising kahit dumaan na ko. Ayun, nagsara ang mga pinto ng train at umandar papunta don sa dulo, sa mga imbakan ng train. Hohohohoho
Sabi ko dun sa nanay nung bata.. “Naiwan po ba sa loob?”
Sabi nung nanay.. “Oo naiwan.”
Sabay kaming tumawa. Pati yung bata.
Nakonsensya na ko sa lagay na to.
Walang gisingan pag sa’yo nangyari yan! Hoho.
Comment ni Ax — Nobyembre 1, 2010 @ 4:0 3
“Buti na lang buka.”
Bohahaha!
Comment ni salbehe — Nobyembre 2, 2010 @ 4:0 3
sarap kasi matulog dun eh. aircon pa hehehe
muntik nga ako lumagpas kanina buti naisiksik ko palabas ang aking katawan bohahahaha!
Comment ni taribong — Nobyembre 2, 2010 @ 4:0 3
BUKA! Haha. Parang ano lang.
Tsk, bad cheetah!
Comment ni lababo — Nobyembre 3, 2010 @ 4:0 3
aray ko! yun lang masasabi ko. hehehe
Comment ni hoshi — Nobyembre 8, 2010 @ 4:0 3