Ang Kabilang Daigdig ni Jasonhamster

Not so Happy Post | Nobyembre 5, 2010

Pagkatapos ng mahabang trapik sa takteng maynila eh nakauwi din ako ng matiwasay sa bahay. Basa ako ng konte kase naulan. Buti may extra red shirt akong ginawa kong payong. Pagkauwi ko sa bahay…

Syempre kiss kay mommy, kiss kay daddy. Pagpasok ko sa kwarto bigla akong bumanat ng malakas na kanta…

I believe the sun should never set up on an arguement.

Malakas na Kanta.

Si Jerome na nakahiga sa kama eh nag react.  Sabi nya.. “Tsk”

Nagtaka ko, di naman sya ganon. Kaya sabi ko na lang: “Bakeet?”

Sabi nya.. “Natutulog ako kanina”

Nakita ko sa mata nya, mapula. Ok, di na ko nakipag-away. (Tutal ako yung bagong dating at nag-iingay)

Tinawag ako nila mommy.. “Jasoonn!!!”

Pagpunta ko sa kwarto… “Asan laptop ko?”

Si mommy… Mahinang sinabi with hand gestures… “nabagsak… tatlo”

Ako naman.. “Hah? Sino nakabagsak? Tatlong beses bumagsak? Sira na?”

Si mommy… “Tatlo bagsak ni Jerome”…

Oh noes.. yan ang reaction ko. napatahimik ako at na sad ng konte.

Si daddy at mommy… Isinisi sa psp ko. pinapalaro ko daw kase si jerome ng psp. Nadidistract daw. Tapos naglalaro ya mpa kami ng LAN games.

Eh nagpaliwanag na ko dati.. na UP nag-aaral si Jerome. Tama lang na balanse, kelangan nya maglibang. Sabi ko rin na mabubuang yan kapag puro aral lang.

Anyway… Bumalik ako sa kwarto namin. Si Jerome nakahiga, sa harapan ng libro, natutulog.

What to do, what to do?

Buti na lang may malaking crinkle pa ko sa bag. Pwede na tong pang cheer up diba?

Nilapag ko sa harap nya yung plastic na may malaking crinkle. Nagising sya. Nakita ko pula mata nya na mapungay. Ok payn. Hindi lang to natulog kanina pag dating ko, sigurado ako napaiyak to dahil sa mga sermon at syempre sa pagkalungkot.

“Masarap yan malaki yan crinkle” yan ang exact kong sinabi.

Tae.. tae talaga. naiiyak ako. di ko alam. Naiiyak ako habang sinusulat ko to. Ramdam ko lungkot ni jerome eh.  T_T


Ipinaskil sa Dinagtaang Pagsulat

Mga Puna »

  1. aww.. gusto na rin tumulo ng luha ko.. kakalungkot kase pag ganun.. naalala ko na naman yung notebook kong basag :( major sad sa kin yun di ko lang pinapansin yung emotions ko..
    cheer up na rin para sa’yo, pag masaya ka sasaya na rin si Jerome.. more crinkle here please..

    Comment ni Leemi — Nobyembre 5, 2010 @ 4:0 3

  2. aw nakakalungkot naman..hayyy at dahil sa maliit na bagay na ginawa mo para di na sya gaanong malungkot..hang baet baet lang nman ng dikong jason nya,,tulungan mo na lang si pamangking Jerome na makamove on at maboost up ang confidence nya pero dapat bawasan muna ang laro…

    pero nakakalungkot talaga kapag nagkaroon ka ng bagsak parang bibigay ang mundo ko kung sakali man…huhuhuhu

    Comment ni Arnie — Nobyembre 5, 2010 @ 4:0 3

  3. Sabihin mo kay Jerome, kapag naglalakad tayo sa kalsada, pag sumakay tayo ng ferris wheel, o kapag nakikipagkwentuhan tayo sa mga kaibigan natin, hindi naman natin pinapakita yung transcript of records natin. Pag UP ka at bumagsak ka, hindi ka talunan. Nasa pinakamagandang state university siya ng Pinas. ;]

    Pero i-cheer mo rin si Jerome ha! Hoho.

    Comment ni Ax — Nobyembre 5, 2010 @ 4:0 3

  4. Nakakalungkot naman. Pero ayos ang crinkle mo ah. Tama ang paliwanag mo, ndi dapat puro aral. Dapat balanse. At dapat, maenjoy niya ang buhay sa kolehiyo pero dapat pa din pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Pero normal lang naman ang may bagsak sa UP, wag siya mag-alala masyado. Ang mahalaga sa ngaun ay makabawi siyang muli. :)

    Comment ni Roi — Nobyembre 5, 2010 @ 4:0 3

  5. Gamit lamang yan pero sayang pero elibs ako sa lawak ng pasensya at pang-unawa mo, walang tatalo diyan.

    Isang ano nga..wala ung fave icon natin sa plurk.

    Lekat

    Comment ni J. Kulisap — Nobyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  6. Nalungkot ako. UPD siya tapos Computer Engg pa… Mahirap naman kasi talaga. Hindi naman pwedeng nakaharap nalang lagi sa libro si kapatid, anak ng tokwa… Ako nga nakikita ko pa lang notbuk ko na puro mga circuits at kung anu-anong problems eh bigla ako inaantok.

    May nabagsak din ako… sinabi ko sa tatay ko… pero hindi ako pinagalitan… putek! pinaiyak pa ako ni papa sa mga words of wisdom niya na kesyo parte talaga daw yan ng isang engg student… minsan kelangan mo maexperience ang failure para alam mo na ang consequence at mas pagbubutihin mong mabuti… yun ang nakakaiyak! T_T

    Comment ni eloiski — Nobyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  7. Ilang crinkles pa ba kelangan to cheer you guys up? Ok lng yan, mapapalitan mo pa rin yan in due time!

    Comment ni Dorm Boy — Nobyembre 7, 2010 @ 4:0 3

  8. Nakakalungkot nga, pero tama ka dapat balanse ang pag-aaral at good time. Hindi mo kasalanan (o ng psp mo) kung bumagsak sya.

    At yung laptop? Nasira din laptop ko kaso wala akong crinkle. :(

    Comment ni salbehe — Nobyembre 8, 2010 @ 4:0 3

  9. wow nakaka-touch nga.

    kaya masarap ang mya kuya eh or nakakatandang kapatid. may mag-aalo sa yo kahit madalas nang-aasar lang.

    Comment ni hoshi — Nobyembre 8, 2010 @ 4:0 3

  10. makakabawi din si jerome
    mahirap kaya sa UP
    ako kasi sa down ako nag-aral hihihihi
    kapatid ko naman lagpak sa chem at algebra,
    sabi ko sa kanya kahit i-3 lang niya sana
    oh well mahirap na talaga ang mga subjects ngayon…kaya magiging ok din yan!

    Comment ni Pong — Nobyembre 8, 2010 @ 4:0 3


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

    Si Jasonhamster sa daigdig na ito

    Hindi ako ang tipikal na batang mahilig tumambling, bibo, maingay, makulet, maraming enerhiya. Hindi ako magiliw sa daigdig na ito. Iba ako dito. Kaya wag nyong kagagalitan si Jasonhamster sa tunay na buhay. Maliwanag ba?

    Baul ng Kayamanan

    Dito ka Maghalungkat

    Mga Napadpad

    • 7,663 tambling

    Babala

    hindi ako si jasonhamster ang bagong rizal

    Tweeter Tweeter

    • good nga ang morning, pero kinakabahan ako, maraming dadating na trabaho, di ako makakapetiks :(...49 minutes ago
    • ate @zenzamora sa wkas makakapgdinner na rin ako pagkauwi. kakapagod talaga mag OT. hahahaha...13 hours ago
    • 15 mins countdown bago mag uwian. aayos ng gamit, aayos buhok, aayos jacket itutupi sa cabinet, iuuwi yung dyaryo, aalisin mga nakacharge......13 hours ago
    • ate @zenzamora si @xprosaic natutulog pa yan sa office! hahahahahaha...14 hours ago
    • O.T. na, anu pa nga ba edi magdodota na!...15 hours ago
    • sayang oras ko dito, pababain m nako sa dept ko please. tsk...17 hours ago
    • ang laki laki laki na ng hamster ko, wala pa din syang pangalan. haha http://t.co/E8hs5TMv...1 day ago
    • lahat na lang ng teleserye may ransom ransom, wala na bang iba? #budoy...1 day ago
    • Playing phantasy star 2 with kuya...2 days ago
    • pramis panunuoden ko na walking dead ep8 at ep9 mamaya. sana wag ko makalimutan. malapit na pala uwian parang kelan lang wala pako dito...2 days ago
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.