Ang Kabilang Daigdig ni Jasonhamster

Mainggiting Cat | Disyembre 6, 2010

May isang gusaling nakatirik sa gitna ng syudad. Ang gusaling ito ang pinakamataas. May attic ito. Dito nakatira ang isang inggeterong pusa. Binansagan sya ng mga hayop sa syudad na… MAINGGITING CAT.

Tuwing lalabas ng attic si MAINGGITING CAT ay pinupuna nya lahat ng kanyang nakikita. Parating tumatatak sa isipan nyang… “dapat meron ako nyan”.

Halos lahat na yata ng gamit o mga gadgets ng mga kapwa hayop nya ay meron na sya. Ipod, PSP, Laptop, Kotse, Celphone na latest, at iba pa.

Di nagtagal ay umabot na sa sukdulan ang pagiging inggetero ni MAINGGITING CAT. Binisita kasi sya ng dati nyang kaibigan. Artista na ito ngayon. Naisip nya, noong bata pa sya wish ng wish…

Na sumikat.
Na makilala ng lahat.
Na mapansin ng lahat.
Na maging artista .

Pero hanggang ngayon di pa rin natutupad ang wish nyang yon.

Sa sobrang pagkainggit.. may naisip syang plano.

Sumapit ang madaling araw. Mga bandang alas tres at alas kwatro. Tahimik ang buong paligid.

Tumuntong si MAINGGITING CAT sa tuktok ng kanyang attic. May dalang panungkit. Isa-isa nyang sinungkit ang mga bituing natutulog at naghihilik.

“Kala nyo ah. Kayo lang ang natutupad ang wish. Akin na ngayon ang lahat ng wishing stars. Magwiwish ako ng magwiwish. Sa dami ba naman ng mga to… Tignan natin.”

Tinipon ni MAINGGITING CAT ang lahat ng bituing magkakasya sa kanyang attic. Habang natutulog ang mga bituin…  sabay-sabay na  lumabas ang mga imahe sa mga bituin.

Imahe ng mga kapwa hayop nya na may mga hiling din.

“Sana magkita na kami ni daddy”
“Sana wala ng gulo”
“Sana makauwi na ko sa bayan ko”
“Sana magkaroon ako ng bagong sapatos”
“Sana dumami pa kaibigan ko”
“Sana  ikasal na ko”
“Sana yumaman na kami”

at marami pang iba… na parang umaalingawngaw dahil nagkakasabay-sabay.

Si MAINGGITING CAT ay naantig sa kanyang mga nakita at narinig.

“Kawawa naman pala tong mga kapwa hayop ko… Ibabalik ko na nga lang kayong mga bituin sa langit.”

Pero huli na ang lahat. Di nya namalayang umaga na pala. Isa-isang gumising ang mga bituin at sabay-sabay nagsabog ng liwanag sa buong attic.

Sa sobrang liwanag… Wala pang tatlong segundo ay nabulag si MAINGGITING CAT


Mga Puna »

  1. ayun.eto pala ang kabilang daigdig mo. tao po ako ng tao po sa dating bahay mo.

    Comment ni busyok — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • BASE!
      aba..base ako.perstaym haha

      Comment ni busyok — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

      • kuya eli! :) ) natawa ko loko ka ung isa alam mo eto hinde. hahahah!

        Comment ni jason — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  2. yan ang napapala ng mga umaattitude!

    Comment ni Joyo — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • mama, kulang pa nga yan. lol

      Comment ni jason — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

      • sana nilagay mo sa sako tapos sinabit mo dun sa puno ng balimbing na puno ng anay at surot :lol:

        Comment ni Joyo — Enero 26, 2011 @ 4:0 3

  3. anuba naman yang mainggiting cat na yan? hindi kaya si grinch yan? hihihi!

    Comment ni kaye — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • malapit na ate kaye ko!!!

      pero walang clue!! :) )

      Comment ni jason — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  4. kung isang totoong tao si Mainggiting Cat, sino siya? =))

    nagulat ako si joyo ang nagpa-pplug ng blog mo :D

    Comment ni cheesecake — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • kuya cheesecake, mama ko po kasi sya. YAY

      Comment ni jason — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  5. Haha Angganda nito jasonhamster! Pwede ihabol sa Saranggola Blog Awards!! Ang galing-galing!!! :D

    Comment ni taribong — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • thank you kuya tarbsss :) )

      Comment ni jason — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  6. wow na wow ang istorya bro jason
    mapa may pamatay na MS Paint o wala talaga namang kapupulutan ng aral. Mahirap maging mainggitin minsan kasi napapahamak ang iba maging ang sarili.
    ok mainggiting dog na lang ako hihihihi

    be blessed bro jason.

    like ko to. =)

    Comment ni Pong — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • hohohoho thanks pong nagustuhan mo. at salamat din talaga. basta salamat :) )

      be blessed din lagi pongggg

      Comment ni jason — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

  7. Ang torooy! Mamatay siya sa inggit!

    Comment ni Marvin — Disyembre 6, 2010 @ 4:0 3

    • tomohhhhh :) )

      Comment ni jason — Disyembre 7, 2010 @ 4:0 3

  8. TLDR.

    Inaantok na ako. Lalagnatin ako. Aw.

    Comment ni Ax — Disyembre 7, 2010 @ 4:0 3

  9. parang may pinapatamaan ka, jason. at parang may sapantaha ako. hmmmm… XD

    Comment ni lio loco — Disyembre 19, 2010 @ 4:0 3

  10. hahaha! gusto ko to. simple pero may dating.
    kamusta na kaya ang mga wishes ng kaibigang hayop ni mainggiting cat? sana eh matupad sila.
    :) *blogroll

    Comment ni Arkhut — Disyembre 21, 2010 @ 4:0 3

  11. May you have a very Happy New Year, my friend !

    Comment ni doroastig — Disyembre 31, 2010 @ 4:0 3

  12. How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. Click on this to see. We, WordPressers must have this on our blog.

    Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging [your blog URL]

    Comment ni doroastig — Enero 4, 2011 @ 4:0 3

  13. Kung Hei Fat Choy 恭喜发财
    click here

    Comment ni doroastig — Pebrero 2, 2011 @ 4:0 3

  14. buti nang sumabog tito, hindi nasunog si maiingitin cat. hohoho!

    yan ang napapala ang maiingitin.

    sabi nga bawat nilalang ay may journey. wag mong ipilit ang sayo sa iba. choz! hahaha

    Comment ni hitokirihoshi Jr. — Pebrero 7, 2011 @ 4:0 3

  15. Tomorrow, Saturday, we will be observing EARTH HOUR. Show your support here.

    Comment ni doroastig — Marso 25, 2011 @ 4:0 3

  16. Tsk, aminado ako, minsan ako din yung mainggiting cat na yun.. hahaha!!! nakakatuwa pala dito sa page na to… ( in fairness mas gusto ko to kesa dun sa isa mong bloghay… :-D )

    Musta na?… sensya naging abala lang kaya ngaun lang nakapag gagala.. :-D

    Comment ni Yvarro — Disyembre 9, 2011 @ 4:0 3


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

    Si Jasonhamster sa daigdig na ito

    Hindi ako ang tipikal na batang mahilig tumambling, bibo, maingay, makulet, maraming enerhiya. Hindi ako magiliw sa daigdig na ito. Iba ako dito. Kaya wag nyong kagagalitan si Jasonhamster sa tunay na buhay. Maliwanag ba?

    Baul ng Kayamanan

    Dito ka Maghalungkat

    Mga Napadpad

    • 7,665 tambling

    Babala

    hindi ako si jasonhamster ang bagong rizal

    Tweeter Tweeter

    • ang sakit ng alak-alakan ko, para kong pilay maglakad. gusto kong magpa stretcher kahit hanggang LRT lang. please...12 hours ago
    • ingat pag-uwi! @mjcorillo...12 hours ago
    • di ko mapigil magkuyakoy ng paa ko,. baket kaya...13 hours ago
    • ang galeng netong alchemy, nakabuo ako ng tao at computer mula sa earth wind and fire. haha...19 hours ago
    • good nga ang morning, pero kinakabahan ako, maraming dadating na trabaho, di ako makakapetiks :(...20 hours ago
    • ate @zenzamora sa wkas makakapgdinner na rin ako pagkauwi. kakapagod talaga mag OT. hahahaha...1 day ago
    • 15 mins countdown bago mag uwian. aayos ng gamit, aayos buhok, aayos jacket itutupi sa cabinet, iuuwi yung dyaryo, aalisin mga nakacharge......1 day ago
    • ate @zenzamora si @xprosaic natutulog pa yan sa office! hahahahahaha...1 day ago
    • O.T. na, anu pa nga ba edi magdodota na!...1 day ago
    • sayang oras ko dito, pababain m nako sa dept ko please. tsk...1 day ago
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.